Pacquiao-Mayweather fight malabong matuloy dahil kay Arum
MANILA, Philippines - Malabong mangyari ang Manny Pacquiao-Floyd Mayweather Jr. na labanan hanggang si Bob Arum ang tumatayong promoter ng pambansang kamao.
Ito ang winika ni Golden Boy Promotions Chief Executive Officer Richard Schaefer matapos ipagdiinan na hindi siya makikipag-usap o gagawa ng laban kay Arum at sa Top Rank.
“I have no interest whatsoever to work with Bob Arum,†wika ni Schaefer sa paÂnayam ni Jake Donovan.
“The fact is, (Arum) has nothing left and we don’t need to deal with the guy,†dagdag nito.
Naunang sinabi ni Arum na para mangyari ang kinasasabikang labanan ng dalawang tinitingalang boksingero sa panahong ito ay dapat magbigayan ang mga taong nasa likod nina Pacquiao at Mayweather.
Sa Mayo 3 ang inaasahang pagbabalik ng ring ni Mayweather at matunog ang pangalan ni Amir Khan na siya ng makakasukatan ng walang talong American boxer.
Ito ay matapos manalo si Marcos Madiana sa dating walong talo ay sinasabing papalit kay Mayweather na si Adrien Broner noong Linggo.
Tinalo ni Khan si Madiana sa kanilang naunang pagkikita at hindi na magiging mahirap na ibenta ang laban kay Mayweather dahil sa tinamong pahirap kay Broner sa huling laban.
Si Pacquiao ay nagbabalak na bumalik ng ring sa Abril at ang rematch kay Timothy Bradley ang tinututukan dahil ang dalawa ay nasa pangangalaga ng Top Rank.
- Latest