^

PSN Palaro

Franco ibinigay ang ika-7 gold sa Pinas ‘ginabayan ni Lord’

Pilipino Star Ngayon

NAY PYI TAW--Si Ramon Antonino Franco ay isang relihiyosong tao.

Kaya naman alam niyang may mangangalaga sa kanyang pamilya nang magkaroon ng trahedya sa Tacloban noong Nobyembre pati na sa kanyang ta­gumpay sa 27th SEA Games karatedo competitions noong Sabado ng gabi sa Wunna Theikdi Indoor Stadium.

“All the training, expe­rience, nandu’n. Pero all those would not have mattered kung walang isang nasa Itaas na nag-guide sa akin,” ani Franco matapos niyang pangunahan ang labanan sa under 55kg class ng individual kumite.

“Sa rami ng sinalanta ng Yolanda na-spare ang family ko,” kuwento ng 28-anyos na karateka bago idikit ang krus sa kanyang rib cage para ipakita kung gaano kataas ang baha sa kanyang probinsya.

“And then dito, sa hirap ng pinagdaanan kong draw, mga mabibigat na kalaban, alam kong Somebody’s watching over me.”

Naging mahirap para kay Franco na makuha ang gintong medalya na kanyang pinakamataas na nakamit matapos maging miyembro ng silver-winning kumite team noong 2011 sa Indonesia.

Sa pagitan nito, kina­ila­ngan ng Criminology graduate na magsumite ng isang forced vacation mula sa sport matapos mabalian ng kamay sa isang torneo.

“Na-layoff ako ng matagal dahil compound break. Kaya parang gusto kong makabawi for lost time,” sabi ni Franco.

Nagkaroon ng pa­ngamba nang makaharap ni Franco si Iman Ragananda ng Indonesia.

“Powerhouse ang Indonesia sa karatedo kaya medyo may kaba rin,” pag-amin nito.

Kinuha ni Franco ang isang 6-3 iskor laban kay Ragananda kasunod ang 6-2 paggupo kay Nguyen Phi Tuan ng Vietnam.

Tinalo niya si Muhammad Fida’iy Sanif ng Brunei, 8-6, sa finals para angkinin ang gold medal.

 

BRUNEI

FRANCO

IMAN RAGANANDA

ITAAS

KAYA

MUHAMMAD FIDA

NGUYEN PHI TUAN

SI RAMON ANTONINO FRANCO

WUNNA THEIKDI INDOOR STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with