MANILA, Philippines - Hindi binigo ng TMS-ArÂmy ang mga nananalig sa kanilang kakayahan nang talunin ang Cignal HD SpiÂkers, 25-14, 22-25, 25-17, 25-20, at hiranging kampeon sa Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix women’s volleyball na pinaglabanan kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Sina Luangtonglang Wanitchaya at Rachel Anne Daquis ay tumapos taglay ang 17 at 16 hits para sa Lady Troopers na ibinuhos ang lakas sa huling dalawang set para daigin uli ang HD Spikers sa ikalawang pagkikita sa championship sa ligang inorganisa ng Sports Core na may basbas ng International Volleyball Federation at may suporta ng Mikasa, Asics, LGR, Jinling Sports at Solar Sports.
Kinilala ang husay ni Wanitchaya at hirangin bÂilang Most Valuable Player ng torneo.
“May advantage kami sa kanila kung tao sa tao ang pag-uusapan. Pero hindi kami nagkumpiyansa,†wika ng champion coach na si Rico De Guzman.
Ito ang ikalawang sunod na kampeonato ng TMS matapos talunin din ang Cignal sa four-sets sa Invitational Conference finals.
Hinirang naman ang PLDT-MyDSL bilang kaÂuna-unahang kampeon sa men’s division matapos ang 28-26, 25-16, 20-25, 22-25, 16-14, panalo sa palaban ding Systema.
Si Kheeno Franco ay mayroong 14 hits habang nagdagdag ng 13 si Jayson Ramos pero sa deciding set ay naging krusyal din ang mga puntos nina Armando Maleon at Alnasip Laja para dominahin ang apat na koponang liga.