Garcia dismayado sa pagkakabawi sa gold ni Alkhaldi
MANILA, Philippines - Hindi makapaniwala si PSC chairman Ricardo Garcia na babawiin ang gintong naibigay na kay Jasmine Alkhaldi sa isinasagawang SEA Games sa Myanmar.
Nanalo si Alkhladi ng ginto sa women’s 100m freestyle pero nagprotesta ang Thailand dahil umano sa false start dahilan upang hindi lumangoy ang kanilang panlaban.
Nagwagi si Alkhaldi sa 56.65 segundo tiyempo at itinulak ang dalawang Singaporeans na sina Ting Hwen Quah (56.74) at Amanda Xiang Qi Lim (57.21) sa ikalawa at ikatlong puwesto.
Pero sa di malamang kadahilanan, kinatigan ng mga technical officials ang protesta ng Thais para mag-utos ang mga ito ng re-swim na ginawa kagabi.
“How can you call a re-swim when we already have been declared the winner? The medal was given and our flag raised,†wika ni Garcia.
Umapela ang Pilipinas sa nasabing desisyon at may mga nagbalak na huwag palanguyin si Alkhaldi sa re-swim.
Ngunit ang pagiging sport ng mga Pinoy ang nangibabaw para palanguyin si Alkhaldi sa re-swim.
Tumapos lamang ang napagod na ring London Olympian sa ikatlong puwesto kasunod ng manlaÂlaro ng Thai at Singapore.
- Latest