^

PSN Palaro

Gold nauwi sa bronze panalo ni Alkhaldi iprinotesta

Pilipino Star Ngayon

NAY PYI TAW--Makontrobersyal ang kampanya ng Pilipinas kahapon sa 27th SEA Games na tila nakatulong sa pagbaba ng bansa sa team standings sa 11 koponang torneo.

Ang araw ay sinimulan ng balitang binawi ang gintong medalya na napanalunan ni swimmer Jasmin Alkhaldi sa 100m freestyle at ipinag-utos ang re-swim kagabi.

Ipinakita naman ng Pi­lipinas at ni Alkhaldi ang pagiging sport nang lumangoy ito sa re-swim pero sa pagkakataong  ito ay tumapos lamang sa bronze medal ang London Olympian.

Ang Thai swimmer na si Natthanan Thunkrajang ang nanalo ng ginto at si Singaporean tanker Ting Wen Quah ang puma­nga­lawa.

Nasundan pa ito ng kontrobersyal na unanimous decision na pagkatalo ni 2010 Asian Games gold medalist Rey Saludar kay host boxer Mg Nge sa flyweight division semifinals.

“It was a hometown decision,” wika ni ABAP exe­cutive director Ed Picson.

Kung kulang pa ang mga dagok na ito, si Jason Balabal ay nakontento lamang sa bronze me­dal sa freestyle event sa 84-kilogram division at ang wrestling team na nanalo ng dalawang ginto sa Indonesia noong 2011 ay bigong manalo ng ginto sa edisyong ito.

Pero hindi naman lahat ay masamang balita dahil tumibay ang laban ng men’s basketball sa ika-16th SEA Games gold medal habang limang men’s boxers ang nasa Finals at handang karibalin ang manlalaro ng Thailand.

Si Kevin Ferrer ay may­roong 23 puntos para pamunuan ang Sinag na hawak ni coach Jong Uichico sa 100-68 tagumpay sa Thais.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Pambansang koponan at pa­boritong walisin ang anim na katunggali lalo pa’t angat ang lakas ng nationals sa Indonesia at Malaysia na kalaro ng bansa ngayon at bukas.

Pinangunahan naman ni London Olympian Mark Anthony Barriga ang apat na iba pang boxers na pumasok sa finals upang gawing pito ang puwedeng magdala ng ginto sa Pilipinas.

 Si Barriga ay nanalo sa kontrobersyal na split decision laban kay Mohd Faud Mohd Reuvan ng Malaysia. Kontrobersyal ito dahil marami ang naniniwala na dapat ay unanimous ang panalong ito para sa batang Olympian sa light flyweight division.

Si bantamweight Mario Fernandez ay nagwagi kay Tran Quocc Viet ng Vietnam, si light weight Junel Cantancio ay nanalo kay Muhamad Ridhawan Ahmad ng Singapore; si light welterweight Dennis Galvan ay nangibabaw kay Ericok Amonupunyo ng Indonesia at si welterweight Wilfredo Lopez ay nagwagi kay Alex Tatantos ng Indonesia.

 

ALEX TATANTOS

ANG THAI

ASIAN GAMES

DENNIS GALVAN

ED PICSON

ERICOK AMONUPUNYO

JASMIN ALKHALDI

JASON BALABAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with