^

PSN Palaro

Boxer na kalahok sa CLRAA na-comatose

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinapanukala ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia ang pamamahala ng mga kuwalipikadong opisyales sa mga contact sports sa mga national sports event.

Ito ay sa gitna ng pagkakalagay sa comatose ng isang 16-anyos na high school student ng San Miguel, Bulacan matapos ang second round ng kanyang boxing bout sa 2013 Central Luzon Regional Athletic Association sa Iba, Zambales noong Lunes.

“This is a contact sport and anything can happen,” wika kahapon ni Garcia. “Qualified referees should act as judges. If referees were pros, they could have stopped the match.”

Inireklamo ni Jonas Joshua Garcia ang pananakit ng kanyang ulo matapos ang second round kasunod ang pagkawala ng kanyang malay habang nakaupo sa corner.

Sa pagsusuri ng mga duktor, inihayag na nagkaroon si Garcia ng internal he­morrhage dala ng matitinding suntok sa kanyang ulo sa kabila ng pagkakaroon ng protective head gear.

Matapos ang insidente ay ipinatigil na ng Chief Sports Officer ng Regional Athletic Association na si Guillermo Bugnot ang lahat ng boxing fights sa 2013 CLRAA.

Nilinaw naman ni Garcia na walang partisipasyon ang PSC at ang ABAP,  ang National Sports Association sa boxing, sa naturang regional meet na idinaos ng Department of Education (DepEd) para sa 2014 Palarong Pambansa sa Laguna na nakatakda sa Abril 21-27.

 

CENTRAL LUZON REGIONAL ATHLETIC ASSOCIATION

CHIEF SPORTS OFFICER

DEPARTMENT OF EDUCATION

GARCIA

GUILLERMO BUGNOT

JONAS JOSHUA GARCIA

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

PALARONG PAMBANSA

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

REGIONAL ATHLETIC ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with