NAY PYI TAW--NaÂbigong makakuha ng panalo ang mga Filipino grapplers matapos makuntento ang tatlo sa kanila sa bronze medal sa men’s freestyle wrestling competition ng 27th Southeast Asian Games kahapon dito sa National Indoor Stadium sa Yangon.
Natalo ang bagitong si Alvin Lobrequito kay NguÂyen Hyha ng Vietnam sa semis para bumaba sa bronze medal match kung saan tinalo si Gabriel Juang Junen ng Singapore sa 55-kg category.
Nanaig naman si Joseph Angana kay Bui Tuan Anh ng Vietnam sa 66-kg class, samantalang nangiÂbabaw si Jhonny Morte kay Jirawat Iamsamang sa 60-kg class para sa labanan sa tansong medalya.
Nauna nang nabigo sina Margarito Angana at Jason Balabal sa men’s 55-kg at 84-kg Greco Roman, ayon sa pagkakasunod, noong Martes.
Sina Angana at Balabal ang nagdedepensa sa kanilang mga kategorya, ngunit ang kanilang pagÂyukod ang nagpabagsak sa tsansa ng bansa na maÂlampasan ang two-gold medal finish noong 2011 SEAG sa Indonesia.
Sinabi ni Camposano na umaasa siyang makaÂkaÂbangon si Balabal na lalaban sa 84-kg category ng men’s freestyle ngayon.
“Susubukan kong maÂnalo,†ani Balabal na bibiyahe ng isang oras patungo sa Yangon.