Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
2 p.m. RC Cola
vs Petron (w)
4 p.m. Cagayan Valley vs PLDT (w)
6 p.m. Giligan’s
vs Maybank (m)
MANILA, Philippines - Mag-uunahan ang PLDT-MyDSL at Cagayan ValÂley sa pag-okupa sa ikatlong puwesto sa Philippine Super Liga Grand Prix women’s volleyball ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ang laro ay magsisiÂmula sa ganap na alas-4 ng hapon matapos ang pagÂkikita ng RC Cola at Petron sa alas-2 para sa ikalimang puwesto.
Ang huling laro sa alas-6 ng gabi ay sa pagitan ng Giligan’s at Maybank para sa ikatlong puwesto sa men’s division.
Hindi napangatawanan ng Speed Boosters ang 5-0 sweep sa classification round nang natalo sa CigÂnal, 25-17, 22-25, 25-21, 25-27, 14-16, noong SaÂbado upang mauwi na laÂmang sa agawan sa third place ang tropa ni coach RoÂger Gorayeb.
Si Savannah Noyes na gumawa ng 26 puntos sa huling asignatura, ang inaasahang kakamada para sa Speed Boosters katuwang sina Sue Roces, Charo Soriano at Angela Benting para tapatan ang Lady Rising Suns na nataÂlo sa nagdedepensang TMS-Army sa straight sets, 15-25, 20-25, 17-25.
Ang Finals ay gagawin sa Sabado at bukod sa woÂmen’s division ay mapaÂpanood din ang tapatan ng PLDT-MyDSL at Systema Active Spikers.