NAY PYI TAW – Ibinigay ni Daniel Parantac ang paÂngatlong gintong medalya ng Team Philippines sa 27th Southeast Asian Games kaÂhapon dito sa Wunna Theikdi Indoor Stadium A.
Pinangunahan ni PaÂrantac ang two-event gold medal sa kanyang ikaapat na pagtatangka para sa ikatlong gold medal ng bansa sa wushu at balewalain ang kabiguan ni wrestler Jason Balabal sa pagdedepensa ng kanyang 84kg crown sa Greco Roman.
“Finally, I got the win,†sabi ng 23-anyos na BS EduÂcation graduate na si Parantac.
Ito na ang pinakamaÂtagumpay na kampanya ni PaÂrantac sa SEA Games na nag-uwi ng silver medal noÂong 2011 sa Indonesia.
“Leading din po ako noÂon pero nagkaroon ng knee injury and that cost me in the taijijian then,†kuwento ng tubong Baguio City.
Sina Jessie Aligaga at Dembert Arcita ang nagbiÂgay sa bansa ng unang daÂlawang gintong medalya maÂtapos maghari sa sanda event ng wushu noong LuÂnes.
Kinuha naman nina Natasha Enriquez at Kariza Kris Chan ang bronze meÂdal sa women’s duilian.
Ang mga kumuha ng silver ay sina Divine Wally at Evita Elise Zamora sa woÂmen’s sanda (sanshou) at sina Parantac, John Keithley Chan at Norlene Ardee CaÂtolico sa men’s duilian, habang si Francisco Solis ang nagbulsa ng bronze sa sanda.
Kasalukuyang may 3 gold, 5 silver at 3 bronze medals ang Pilipinas sa overall medal tally para sa ikaanim na puwesto.
Hindi naman pinakawalan si Balabal ni Koa Cheng Houng, may dugong Korean, ng Cambodia sa second round para angkinin ang gold medal.
Matapos ang kabiguan ay tinalo ni Balabal, nakatakdang dalhin ang watawat ng bansa bilang flag bearer sa opening ceremonies ngaÂyong araw, si Chinnawep Kanthalee ng Thailand para ibulsa ang silver medal.
“Inaalat kami,†wika ni naÂtional team head coach Roy Camposanto.
Sa canoeing, nakuntento sa bronze medal ang baÂgitong si Hermie Macaranas sa C1 1,000-meter event.
Nakatakda namang suÂÂmabak sa aksyon sina Jayson Valdes, BenÂny Cagurin at Emerito Concepcion, ang token participation ng bansa sa shooting event, sa 50m rifle comÂÂpetition.