MANILA, Philippines - Sumakabilang-buhay na si dating cycling icon Atty. Cornelio A. Padilla Jr. noÂong Linggo sa edad na 67-anyos dahil sa sakit sa puÂso sa St. Lukes Hospital.
Inulila niya ang kanyang asawang si Atty. LuzviÂminda Padilla, ang kaÂsalukuÂyang Philippine laÂbor attaÂche sa Washington D.C., at kanilang mga anak na siÂna Jennifer, May, Nathalie at Jan Eli.
Ang mga labi ni Atty. PaÂdilla ay nakahimlay sa La Funeria Paz sa Araneta AveÂnue, Quezon City at ang cremation ay nakatakda sa Huwebes.
Hinasa ni “Paddy†ang kanyang husay sa pagÂbibisikleta bilang isang newsÂpaper delivery boy sa Project 4, Quezon City.
Bagito pa siya nang maÂnalo ng national cycling title at kinatawan ang bansa sa 1964 Tokyo Olympics.
Naging popular siya nang maging back-to-back champion ng Tour of Luzon noÂong 1966-1967.
Hinirang si Atty. Padilla ng Philippine Sportwriters Association(PSA) bilang “Athlete of the Year.â€
Sa kanyang pagreretiro sa cycling ay ginamit niya ang kanÂyang mga kinita sa Tour paÂra mag-aral ng aboÂgasya.