Mercado ng Globalport hinirang na Accel-PBA Player of the Week

MANILA, Philippines - Matapos ang 1-3 pani­mula ay bumangon ang Glo­balport para magtala ng ka­nilang kauna-unahang back-to-back wins sa 2013-2014 PBA Philippine Cup.

At ang kanilang naging susi ay si point guard Sol Mercado.

Umiskor si Mercado ng isang personal conference-best na 33 points sa 93-89 panalo ng Batang Pier la­ban sa Meralco Bolts.

Matapos ang dalawang araw ay muling nanguna ang produkto ng Biola University sa 90-88 pagtakas ng Globalport laban sa Rain or Shine.

Dahil sa kanyang ka­bayanihan, hinirang ang 5-foot-11 na si Mercado bi­lang Accel-PBA Press Corps. Player of the Week pa­ra sa linggo ng Disyembre 2-8.

Tinalo ni Mercado para sa weekly honors ang kanyang kakamping si Jay Wa­shington at sina Petron Blaze center June Mar Fa­jardo at Barangay Ginebra forward Japeth Aguilar.

“I know you guys didn’t be­lieve. Nobody really thought where we’ll be at right now. New coach in one week (before the start of the tournament), six roo­kies, eight new guys.  Who would have thought we’d be 3-3?” sabi ng 29-anyos na playmaker.

 

Show comments