Rigondeaux niyabangan si Donaire

MANILA, Philippines - Ipinagyabang kahapon ni Cuban unified world su­per bantamweight titlist bo­xer Guillermo Rigondeaux na hindi pa nakakabangon si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. mula sa kanyang kabiguan sa kanilang la­ban noong Abril 16.

“Nonito, poor man,” sabi ni Rigondeaux sa panayam ng HustleBoss.com sa pa­mamagitan ng isang translator. “He’s traumatized after the beating that I gave him.”

Tinalo ni Rigondeaux si Donaire via unanimous de­cision.

Ito ang kauna-unahang kabiguan ng tubong Talibon, Bohol na si Donaire ma­tapos ang 11 taon.

Matagumpay na naidepensa ng Cuban two-time Olympic Games gold me­dalist ang kanyang mga ko­rona matapos umiskor ng  unanimous decision win kon­tra kay Joseph Agbeko no­ong Linggo.

Nakabawi naman si Donaire sa kanyang ka­biguan kay Rigondeaux ma­tapos kunin ang isang 11th round stoppage win la­ban kay Vic Darchinyan sa kanilang rematch noong Oktubre.

Hangad ni Donaire na maitakda ang kanilang mu­ling pagkikita ni Rigondeaux sa susunod na taon.

“If he wants another beating,” wika ni Rigondeaux. “Tell him to come and get it.”

Show comments