Cafe France umiskor naman kontra sa Zambales-M Builders Cagayan kinuha ang 7th win

MANILA, Philippines - Bumuhos ang laro ng Ca­gayan Valley sa huling yugto para kunin ang ika-pitong panalo sa pamamagitan ng 82-78 tagumpay sa Jumbo Plastic sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Hindi sumablay si John Pinto sa apat na attempts sa huling yugto, habang ang depensa ng Rising Suns ay humugot ng wa­long errors sa Giants upang umangat ang Rising Suns sa pang-apat na puwesto sa 7-2 baraha.

May 22 puntos sa laro si Pinto at 15 ang ginawa niya sa second half.

Ang isang jumper ang tuluyang nagbigay ng kala­mangan sa laro sa tropa ni coach Alvin Pua sa 67-66 iskor.

Si Adrian Celada ay ma 17 puntos, habang si Michael Mabulac ay may 14 at ang Rising Suns ay na­katuon pa sa dalawang aw­tomatikong puwesto sa semifinals na ibibigay sa dalawang mangungunang koponan matapos ang single round elimination.

May 22 puntos si Mark Romero para sa Giants na ininda ang mga errors sa endgame patungo sa pagbaba sa 5-2 baraha.

Sinamantala naman ng Café France ang pagkakaroon lamang ng walong players ng Zambales M-Builders para sa 98-64 demolisyon sa ikalawang laro.

Limang manlalaro ng Bakers sa pangunguna ni Ca­meroonian import Rod Ebondo na may 18 puntos ang gumawa ng doble-pi­gura para sa ika-limang panalo matapos ang walong laro ng koponan.

Show comments