^

PSN Palaro

Sinikwat nina aligaga at Arcita sa Wushu event 2 ginto para sa Pilipinas

Pilipino Star Ngayon

NAYPYITAW - Dalawang wushu veterans ang nagbigay ng gold medals para sa kampanya ng Pilipinas sa 27th Southeast Asian Games dito kahapon.

Kapwa umiskor sina world silver medalists Jessie Ali­gaga at Dembert Arcita ng mag­kaparehong 2-0 panalo sa kani-kanilang weight divisions sa sanda event ng wu­shu.

Tinalo ng 29-anyos na si Aligaga si Dismantua Sim­bolon ng Indonesia sa ka­nilang 48kg. final match, ha­bang dinomina ng 2009 titlist na si Arcita si Phithak Paokrathok ng Thailand sa ka­nilang 52kg championship clash.

Sinabi nina Aligaga at Arcita na ang panguna­hing mo­tibasyon nila ay ang pag­bibigay ng kasiyahan sa mga nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’.

“Dedicated sa mga ka­babayan natin. Sila ang ins­pirasyon,” wika ng tubong Iloilo na si Aligaga, nagwagi ng bronze medal sa Laos SEA Games noong 2009 at nabigong makasali sa Indo­nesia noong 2001 matapos tanggalin ang kanyang weight class sa calendar of sports.

Nakalasap naman ng mag­­katulad na 0-2 kabiguan sina rookies Divine Wally sa 48kg class at Evita Elise Za­­mora sa 52kg.

Sa kabuuan, humakot ang mga Filipino wushu ar­tists ng 2 gold, 3 silver at 1 bronze.

Ang men’s duilian team nina Daniel Parantac, John Keithley Chan at Norlenz Ardee Catolico ang unang nag­bigay sa bansa ng me­dalya matapos kunin ang silver, habang si Francisco So­lis ang nagbulsa ng bronze sa 56kg. sa sanda.

Kasama ang silver me­dal ni wrestler Margarito Angana sa 55kg. sa Greco Roman sa National Indoor Sta­dium sa Yangon, nag­lista ang Pilipinas ng overall medal count ng 2-4-1 (gold-silver-bronze) para umakyat sa No. 6 mula sa pagiging No. 9.

Nakatakda pang lumaban si Parantac sa taijijian event at sasabak naman si­na Natasha Enriquez at Kariza Kris Chan sa wo­men’s duilian.

ALIGAGA

ARCITA

DANIEL PARANTAC

DEMBERT ARCITA

DISMANTUA SIM

DIVINE WALLY

EVITA ELISE ZA

FRANCISCO SO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with