Giants makikisosyo sa 2nd place

MANILA, Philippines - Sumalo sa ikalawang puwesto ang nais gawin ngayon ng Jumbo Plastic sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Makakaharap ng Giants ang Cagayan Valley sa alas-2 ng hapon bago sundan ng bakbakan ng Café France at Zambales M-Builders sa alas-4.

May 5-1 baraha ang Giants at kung manalo pa ay sososyohan ang pahingang Big Chill sa pangalawang puwesto para tumatag ang paghahabol sa puwesto sa playoffs.

Papasok ang koponan bitbit ang three-game winning streak ngunit ang hu­ling laro nila ay nangyari noon pang Nobyembre 28 at dinurog nila ang Wangs Basketball, 75-59.

Sumabak sa mga tune-up games ang tropa ni coach Stevenson Tiu at umaasa siyang sapat ito para hindi mawala ng magandang kondisyon ng mga manlalaro sa pa­ngunguna nina Jason Bal­lesteros,  Mark Romero at Elliot Tan.

Ika-pitong panalo ma­tpos ang siyam na laro ang matutuhog ng Rising Suns kung sila ang mamayagpag. Sakaling mangyari ito, magiging palaban pa ang Cagayan Valley sa unang dalawang puwesto na didiretso na sa semis.

 

Show comments