NAW PYI TAW--Ibinigay nina Daniel Parantac at John Keithley Chan sa Pilipinas ang unang medalya sa 27th Southeast Asian Games matapos kunin ang silver medal sa duilian event ng wushu kahapon dito.
Nagposte sina ParaÂnÂtac at Chan ng 9.62 points para sa silver medal sa ilalim ng 9.64 points ng gold medalist na sina Kyaw Zin Thit at Wai Phyo Aung ng Myanmar tatlong araw bago ang pormal na pagbubukas ng nasabing 11-nation.
Ang Thailand ang suÂmikwat ng bronze sa hinakot na 9.60 points nina Baramee KulsawadmongÂkol at Pitaya Sae Yang kasama si female member Sujinda Sae Yang.
Sinuportahan naman ni Norlence Ardee Catolico sina Parantac at Chan bilang ikatlong player sa mat.
Bago pa man ang pagsisimula ng SEA Games sa Disyembre 11 ay kinuha na ng Myanmar ang overall lead sa pamamagitan ng kanilang anim na golds at isang silver medal.
Ang lima sa anim na ginto ng host country ay mula sa chinlone, isang Burmese term na naÂngaÂngahulugan ng basket rounded o rounded basket.
Pumangalawa naman sa Myanmar ang 2011 overall defending chamÂpion Thailand na may 2-2-0 gold-silver bronze meÂdals, habang may parehong 1-0-0 medal ang Vietnam at Malaysia .
Dahil sa silver, pumang-walo ang Team Philippines katabla ang Indonesia, habang nasa ikaanim ang Cambodia (0-2-2).
Samantala, sasabak sa aksyon bukas ang Pinoy boxers na binubuo ng anim na lalaki at apat na babae kung saan hindi makakasuntok si Charly Suarez na na-sideline sanhi ng injury isang buwan bago ganapin ang naturang beinnial meet.