MYANMAR--Pangungunahan ni wrestler Jason Balabal, tubong Cordillera, ang Philippine delegation sa pagparada sa opening ceremony ng 27th Southeast Asian Games.
Bilang flag bearer, nangako si Balabal na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para makakuha ng gintong medalya sa kanyang event.
Si Balabal ay isang gold medalist sa freestyle event noong 2009 at sa Greko-Roman noong 2011.
Sasabak naman ang magkapatid na sina Margarito at Joseph Angana ng Negros Oriental sa anim na events ng Greko Roman at freestyle events ng naturang three-day wrestling competitions.
“It will be good for Jason to win the gold because he will be carrying that when he bears the Philippine flag a day later during the opening ceremonies,†wika ni wrestling secretary general Karlo Sevilla na idinagdag na magsusuot si Balabal ng traditional na Ifugao G-String o Bahag sa pagbandera niya sa Phl contingent sa parada ng mga nasyon.
Bukod kay Balabal, sisimulan din ni Margarito Angana ang kanyang kampanya para sa ikatlong SEAG gold medal matapos maghari sa 55kg Greko Roman noong 2009 at 2011.
Bago ang Myanmar SEA Games ay nagsanay muna sina Angana at Balabal sa isang four-month training sa Iran kung saan nila nakalaban ang mga Olympic at world champions sa World Military Games.
Lalahok naman ang 21-anyos na si Joseph Angana sa 55 kg freestyle event. Ang iba pang miÂyembro ng koponan ay sina Alvin Lobrequito (55kg), Jimmy Monte (60kg Greko Roman) at Noel Norada (60 kg Greko Roman).