UE itataya ang liderato vs FEU sa UAAP football

MANILA, Philippines - Itataya ng UE ang ma­linis na karta laban sa nagdedepensang FEU sa pagpapatuloy ng UAAP football ngayon sa FEU-Diliman pitch.

May tatlong panalo at isang tabla ang baraha ng Red Warriors habang ang Tamaraws ay may tatlong sunod na panalo para malagay sa ikalawang puwesto.

Sa ganap na alas-3 ng hapon gagawin ang laba­nan at ang UE ay pangu­ngunahan ng nagbabalik na striker na si Fitch Arboleda.

Itatapat kay Arboleda na hindi nakapaglaro sa Season 75 dahil sa injury, ang mahusay na sina Jess Melliza at Nicolas Ferrer ng FEU.

Sina Arboleda, Melliza at Ferrer ay may tig-apat na goals sa torneo.

Galing sa 3-1 panalo ang Tamaraws laban sa UST habang mula sa 1-1 tabla ang UE sa nagdedepensang kampeon na Ateneo.

Samantala, ang naudlot na laro sa pagitan ng FEU at Ateneo ay lalaruin sa Disyembre 20 sa ganap na ala-1 ng hapon sa FEU-Diliman.

Noong Nobyembre 27 nakaiskedul ang laro pero natigil ito dahil sa pagbu­hos ng malakas na ulan.

 

Show comments