MANILA, Philippines - Maliban sa Petron Blaze at three-time defenÂding champions na Talk ‘N Text, ang Meralco ang isa pang koponang nasa mainit na ratsada.
Matapos umiskor ng 112-79 panalo laban sa Air21 Express noong Nobyembre 27 ay nagposte naman ang Bolts ng malaking 100-87 tagumÂpay kontra sa Ginebra Gin Kings noong Disyembre 3.
Ayon kay head coach Ryan Gregorio, ang kaÂnilang liksi ang muling magpapanalo sa kanila laban sa mga koponang may matatangkad na players.
“With a lot of players down, as long as the game is played five-on-five, they don’t have an edge. We’re just a quicker team against them,†wika ni Gregorio.
Lalabanan ng Meralco ang Globalport ngayong alas-5:45 ng hapon at puntirya ang kanilang ikatlong dikit na arangkada sa 2013-2014 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Hindi makakalaro para sa Bolts ang mga may injury na sina Kerby RayÂmundo (knee), Cliff Hodge (sprained right ankle) at Reynel Hugnatan (sprained left ankle).
Ito ang inaasahang sasamantalahin ng Batang Pier ni mentor Ritchie Ticzon na nasa isang two-game losing skid.
Tangan ng Petron ang liderato sa kanilang 4-0 baraha kasunod ang Talk ‘N Text (3-1), Ginebra (3-1), Rain or Shine (3-1), Barako Bull (2-2), Meralco (2-2), Alaska (2-3), Globalport (1-3), San Mig Coffee (1-3) at Air21 (0-5).