Semis cast kinumpleto ng Cignal, Cagayan
MANILA, Philippines - May nararamdamang knee inÂjury si Wanida KoÂtruang pero hindi ito ininda ng CaÂgayan Valley nang pagpahingahin na ang RC Cola, 25-21, 25-18, 15-25, 25-9, sa quarterfinals ng Philippine Super Liga (PSL) women’s Grand Prix kahapon sa Ynares Sports Center sa Pasig City.
Si Patcharee Saengmuang ay mayroong 19 puntos, tampok ang 15 kills, habang si Angeli Tabaquero at Aiza Maizo-Fontillas ay naghatid ng 14 at 13 hits upang punuan ang puwestong iniwan ng Thai import.
Nakapaglaro si KoÂtruang sa first set pero maÂtapos manalo ay nagdesisyon si coach Nestor Pamilar na ipahinga na ito bunga ng iniindang muscle spasm sa kanang tuhod.
“Kontrolado namin ang first set kaya nagdesisyon na akong ipahinga siya sa mas mahalagang laro sa semifinals,†wika ni Pamilar.
Ang Lady Rising Suns na tumapos sa pangatlong puwesto sa classification round ang makakaharap ng nagdedepensang kampeon na TMS-Army sa SaÂbado.
Ito ang ikaanim na sunod na pagkatalo ng RaiÂders sa ligang inorganisa ng Sports Core at may basbas ng International Volleyball Federation at may ayuda ng Mikasa, Asics, LGR, Jinling Sports at Solar Sports.
Kinumpleto ng Cignal ang dominasyon ng mga paboritong koponan sa pamamagitan ng 19-25, 25-19, 25-15, 25-22 panaÂnaig sa Petron sa ikalawang laro.
Si Danika Gendrauli ang bumanat sa HD SpiÂkers sa kanyang 17 puntos mula sa 11 kills at apat aces, para ikasa ang pagkikita nila ng walang talong PLDT-MyDSL sa Final Four.
Si Chinese import Xie Lei ay may 15 puntos habang sina Maureen Penetrante-Ouano at Li Zhangzhan ay naging puwersa rin sa net para makabalik ang Cignal sa semifinals.
- Latest