MANILA, Philippines - Hindi nagtatago si legendary boxing promoter Bob Arum sa ilalim ng carpet sa kanyang Top Rank office sa Las Vegas.
Hinamon ng Harvard-educated lawyer kahapon si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na magpadala ng kanyang ahente sa kanyang opisina para makita ang tax records ni Manny Pacquiao sa United States.
Sinabi ng BIR na may utang si Pacquiao sa pamahalaan ng halos P2.2 bilyon ($50.5 milyon) sa mga buwis na hindi nabayaran sapul noong 2009 na nagresulta sa freeze order ng kanyang mga bank accounts.
Sa panayam ng ABS-CBN North America Bureau, sinabi ni Arum na nagpadala na siya ng liham sa abogado ni Pacquiao ng certified true copies ng tax returns ng boksingero sa US.
Ipinakita ni Dave Lopez, ang chief financial officer para sa Top Rank, sa ABS-CBN ang mga kopya ng tax returns ni Pacquiao.
Sinabi ng Top Rank na nagbayad si Pacquiao sa IRS (Internal Revenue Service) ng 30 porsiyento ng kanyang kinita sa kanyang mga laban sa US.
Ayon kay Arum, malinis si Pacquiao at walang utang at inilarawan ang paghahabol sa kanya na “ridiculous.â€
“I wanna ask the BIR... how many times have they asked for certification from the Internal Revenue Service (IRS)? Probably slim and far between, so what they’re doing to Manny is absolutely outrageous and it’s politics at its worst,†wika ni Arum.
Dating nagtrabaho si Arum sa Justice Department sa ilalim ng JFK administration at sinabing tatanggapin niya ang mga BIR agents sa kanyang opisina.
Kumita si Pacquiao ng halos $20 milyon sa kanyang mga nakaraang laban, at sa kanyang panalo kay Brandon Rios noong Nobyembre 24 ay nakakuha siya ng guaranteed na $18 million prize.
Sinabi pa ni Arum na lalaban si Pacquiao sa MGM Grand sa Las Vegas sa Abril 12.