^

PSN Palaro

Texters sumalo sa 2nd: Iniligpit ang Batang Pier

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

5:45 p.m. Petron

Barako Bull

8 p.m. Air21 vs Alaska

 

MANILA, Philippines - Matapos buksan ang first period sa pamamagitan ng isang 10-point lead ay hindi na pinaporma ng Tropang Texters ang Batang Pier para kunin ang kanilang pangalawang dikit na ratsada.

Pinagulong ng three-time champions na Talk ‘N Text ang Globalport, 106-93, para sumalo sa ikalawang puwesto sa 2013-2014 PBA Philippine Cup kagabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Ang ikalawang sunod na ratsada ng Tropang Texters ay pinakinang ng pagiging pang-siyam na player ni Jimmy Alapag na nakapaglista ng 3,000 career assists.

Tumapos ang one-time PBA Most Valuable Player na si Alapag na may 17 points, tampok dito ang 8-of-8 shooting sa free throw line, at 6 assists.

“We played well enough to win. I hope we can make it three in a row on Sunday,” sabi ni coach Norman Black sa kanyang Talk ‘N Text.

Binuksan ng Tropang Texters ang laro sa pagtatayo ng 14-4 abante bago ibaon ang Batang Pier sa pamamagitan ng isang 23-point advantage, 74-51 sa ilalim ng walong minuto sa third period.

Umiskor si Danny Seigle ng 13 points para sa kanyang unang laro sa Talk ‘N Text sa ilalim ng 18 ni Larry Fonacier

Tumabla ang Talk ‘N Text sa Rain or Shine sa magkatulad nilang 3-1 baraha sa ilalim ng Petron Blaze (3-0) at Ginebra (3-0) kasunod ang Barako Bull (2-1), Meralco (1-2), Globalport (1-3), Alaska (1-3), San Mig Coffee (1-3) at Air21 (0-4).

Talk N’ Text 106 - Fonacier 18, Alapag 17, Seigle 13, Castro 12, Carey 11, Baclao 10, Williams 8, Poligrates 7, Anthony 5, De Ocampo 3, Celiz 2, Ferriols 0, Reyes 0.

Globalport 93 - Washington 21, Romeo 16, Mercado 14, Chua 11, Garcia 7, Nabong 6, Salva 6, Belencion 4, Hayes 4, Lingganay 2, Menk 2, Ponferrada 0, Salvador 0.

Quarterscores: 34-20; 64-51; 91-68; 106-93.

ALAPAG

BARAKO BULL

BATANG PIER

DANNY SEIGLE

DE OCAMPO

GLOBALPORT

JIMMY ALAPAG

N TEXT

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with