Lady Archers sisimulan ang kampanya vs Lady Falcons

 Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

11 a.m. NU vs DLSU (M)

2 p.m. ADMU vs NU (W)

4 p.m. DLSU vs AdU (W)

6 p.m. FEU vs AdU (M)

 

MANILA, Philippines - Ang ligang nagpasiklab ng interes sa women’s volleyball na UAAP ay magbubukas ng laro ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Ang pumangalawa no­ong nakaraang taon na Ateneo ay masusukat sa malakas na National University sa ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng pagbubukas sa pagdepensa sa titulo ng La Salle kontra sa  Adamson dakong alas-4 ng hapon.

Pakay ng Lady Archers na makuha ang ikaapat na sunod na kampeonato sa dibisyon pero gagawin nila ito ng wala sina Michelle Gu­mabao, Melissa Gohing at Wensh Tiu na nag-gra­duate na.

Malakas pa rin ang pu­­wersa ng koponan ni coach Ramil de Jesus dahil naririyan pa rin sina co-MVP noong Season 75 Abi Marano at Ara Galang bukod pa kina Mika Reyes, Kim Fajardo at Cyd Demecillo.

Beteranong koponan ang Lady Falcons na aasa kina Sheila Pineda, Faye Guevara, Amanda Villa­nueva at Mylene Paat.

Bagong bihis din ang Lady Eagles dahil nilisan na ang koponan nina Dzi Gervacio, Fille Cainglet, Jem Ferrer at Gretchen Ho.

Si Alyssa Valdez ang mangunguna sa koponan katuwang ang nagbabalik na si Aerieal Patnongon at sisikapin nilang pigilan ang Lady Bulldogs.

May laro rin sa men’s division at ito ay katatampukan ng pagkikita ng NU at La Salle sa alas-11 ng tanghali at FEU at Adamson sa alas-6 ng gabi.

Show comments