UE booters dumiretso sa 3; La Salle, Ateneo kumakasa pa

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang magandang panimula ng University of the East nang kunin ang ikatlong sunod na panalo laban sa National University sa 76th UAAP men’s football sa FEU-Diliman pitch.

Si Fitchj Arboleda ay gumawa ng kanyang pang-apat na goal sa torneo sa 55th minute habang ang baguhang si Ariel Mallen ay may isa pang goal sa 66th minute para bigyan ang Red Warriors ng siyam na puntos.

Nakabawi naman ang La Salle at nagdedepensang Ateneo nang manaig sa hiwalay na laro.

Si Inigo Gonzales ay umiskor sa 50th minute para basagin ang 1-1 iskor at bigyan ang Archers ng 2-1 panalo sa University of the Philippines.

Nakalamang agad ang Archers sa pagsisikap ni Chuck Uy pero naitabla ni Jinggoy Valmayor ang labanan sa 11th minute.

Matapos ang goal ni Gonzales, nagkaroon ng oportunidad ang UP na makatabla pa sa atake uli ni Valmayor. Pero minalas siya at tumama sa crossbar ang kanyang attempt.

Ito ang unang panalo ng Archers matapos ang tatlong laro habang ang Maroons ay naiwang koponan na hindi pa nananalo.

Ang Blue Eagles ay humirit ng 1-0 panalo sa UST para itabla ang baraha sa 1-1 at magkaroon ng tatlong puntos sa katunggali ng Archers.

Show comments