MANILA, Philippines - Magpapasiklab ang bagong tatag na MAG International Boxing Promotions sa pagsasagawa ng boxing card na katatampukan ng mga Filipino boÂxers laban sa Mexicans sa Disyembre 12 sa Solaire Resort Hotel and Casino sa Pasay City.
Ang MAG Promotions ay binubuo nina Pambansang kamao Manny Pacquiao, two-time world champion Gerry Peñalosa at Shape Up Boxing gym owner at promoter Anson Tiu Co na ang layunin ay humanap ng mga bata at talentadong boksingero na maaaring magbigay ng karangalan sa bansa.
“May anim na boxers na kami pero naghahanap pa kami ng iba na aming bibigyan ng training at exposures para sila ay gumaling at maging Manny Pacquiao sa hinaharap,†wika ni Peñalosa na nakasama si Co sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura na suportado ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ang unang pa-boxing ay katatampukan naman ng mga beterano at papasibol na boksingero na sina Michael Farenas, Richard Pumicpic at Dodie Boy Peñalosa Jr.
Main event ang dating world challenger na si Farenas laban kay Jesus “Chito†Rios habang si Pumicpic ay makikipagsukatan kay dating two-time amateur champion Luis Lugo at si Peñalosa laban kay Alem Robles.
Si Co na beterano na rin sa pagpo-promote ay nagsabi rin na magiging memorable ang kanilang unang handog dahil sa magarbong plano.
“Gusto ko sanang itaas ang boxing promotion sa bansa sa pamamagitan ng pagdaraos ng labanan sa mga world class venues tulad ng Solaire. Sisikapin namin na iparamdam sa mga sasaksi ang nangyayari sa mga laban tulad sa Las Vegas,†wika ni Co.
Si Pacquiao na sariwa sa pagkapanalo laban kay Brandon Rios ay inimbitahan na dumalo sa gabi ng laban.
Ang tiket ng laban ay inilagay sa P1,000.00 at lahat ng kikitain sa promotion ay itutulong sa mga biktima ng super typhoon na Yolanda.