MANILA, Philippines - Dalawang empleyado ng Smart Communications, Inc. (Smart) ang nakatapos sa nakaraang West Coast 200K Ultramarathon na sinimulan sa Subic Freeport sa Olongapo City at nagwakas sa Alaminos, Pangasinan. Pumuwesto si Smart corporate wireless consultant Carlo Gonzalez (kaliwa) bilang pang-siyam sa 41 finishers mula sa kanyang tiyempong 35 oras, 53 minuto at 59 segundo, habang si senior training supervisor Carl Balagot (kanan) at pumang-28 sa kanyang isinumiteng 46 oras, 8 minuto at 25 segundo. Ang dalawang runners ay miÂyembro ng Samahang Mananakbo ng Smart (SMS), isa sa 20 employee clubs.