MANILA, Philippines - Sumosyo sa ikalawang puwesto ang Cagayan Valley matapos talunin ang Cignal, 25-14, 18-25, 27-25, 25-23, sa Philippine Superliga Grand Prix 2013 kahapon sa Ynares Sports Arena.
Muling binanderahan nina Thai reinforcements Wanida Kotruang at PatÂcharee Saengmuang ang Lady Rising Suns matapos umiskor ng 21 at 17 points, ayon sa pagkakasunod.
Nagbalik naman sa aksyon para sa Cagayan Valley si Angge Tabaquero matapos hindi maglaro dahil sa kanyang shoulder at knee injuries.
“Mas may kumpyansa ‘yung mga kasama niya pag andyan si Angge, may leader sa loob,†sabi ni coach Nestor Pamilar kay Tabaquero na hindi nakaiskor.
Itinaas ng Lady Rising Suns ang kanilang record sa 3-1 kasalo sa ikalawang posisyon ang TMS-Philippine Army.
Mula sa 21-24 agwat sa fourth set, nakadikit ang HD Spikers sa 23-24 kasunod ang error ni Chinese import Li Zhangzhan na nagbigay ng panalo sa Cagayan.
Tumapos si Zhangzhan na may 16 points, habang may 13 ang kababayan niyang si Lei Xie kasunod ang 12 ni Abigail Praca para sa Cignal.
Nasa ikatlong puwesto ngayon ang HD Spikers sa bitbit nilang 2-2 kartada.