MANILA, Philippines - Makaengganyo ng mga bata na ipagpatuloy ang pag- lalaro ng ethnic sports at bigyan ng kasiyahan ang mga batang nakaligtas sa trahedya sa Tacloban, Leyte ang dalawang layunin na nais na matupad sa pagsasagawa ngayon ng PNOY Sportsfest sa Burnham Green sa Rizal Park, Manila.
Nasa 500 bata edad 7 hanggang 12 ang inaasahang dadalo sa aktibidades na isasabay sa paggunita ng ika-81st kaarawan ni Benigno Aquino Jr.
Inorganisa ng Yellow Ribbon Movement (YRM) at suportado ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO), mga tradisyunal na larong Pinoy tulad ng patintero, taguan, luksong baka at luksong tinik na hindi na napapansin ngayon, ang siyang idaraos.
“Masyado ng abala ang mga bata sa mga computer games na hindi nakakatulong sa kanilang kalusugan dahil mga daliri lamang ang kanilang nagagamit. Sa pamamagitan ng mga ethnic games na ito ay sisikapin nating na mas maging aktibo sa pisikal ang mga bata,†wika ni Raqui Garcia, chairman ng YRM na dumalo sa PSA Forum kahapon.
Naroroon din ang pangulo ng YRM na si Lyn Aguirre at Cleo Llamas bukod kay Vince Juico, ang chief-of-staff ni PCSO chairwoman Margie Juico.
Kasama sa kaganapan ang 20 bata na nasa Villamor Air Base matapos ilipad mula sa Tacloban, Leyte na pilit na bumabangon mula sa hapugit ni Yolanda.
Sumusuporta naman ang PCSO dahil naniniwala sila na makakatulong sa hangarin ng ahensya na mabawasan ang mga nagkakasakit kung malulusog ang katawan ng mamamayan.
Sa ganap na ika-8 ang registration habang ang mga laro ay gagawin mula ika-9 hanggang 12 ng tanghali.