MANILA, Philippines - Dapat na ilabas nina WBO light flyweight chamÂpion Donnie “Ahas†Nietes at WBO minimumweight titlist Merlito “Tiger†Sabillo ang kanilang pinakamaÂgandang porma dahil tiniÂyak kahapon ng mga makakalaban ang kahandaan na patalsikin sila sa puwesto.
Sina Sammy “Guty†GuÂtierrez ng Mexico at Carlos “Chocorroncito†BuÂiÂÂtrago ng Nicaragua ang mga nanguna sa mga daÂyuhang boksingero na kasama sa Pinoy Pride XXIII--Filipinos Kontra Latinos --sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum ang nagsabing pinaghandaan nila nang husto ang laban kontra sa dalawang Filipino champions.
“I use to be a champion and I am ready for this fight. I am ready to fight for 15 rounds,†pagmamalaki ng 27-anyos na si Gutierrez sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kaÂhapon.
May 33 panalo sa 44 laban, kasama ang 23 KOs, si Gutierrez at siya ay dating interim WBA minimumweight title at WBC silver light flyweight champion.
Ang mga tinalo niya sa dalawang titulong ito ay ang mga Filipino pugs na sina Renan Trongco at Roilo Golez.
“It’s hard to predict the outcome of the fight. Filipinos are good boxers but Mexicans are also good. But the only thing I know is that I am going to take the title away from him,†dagdag ni Gutierrez sa pamamagitan ng interpreter.
Ang 21-anyos na si Buitrago ay may matinding 27-0 baraha, kasama ang 16 KOs, at ang masidhing pangarap na maging world champion ng kanyang bansa ang magtutulak sa kanya para ibigay ang lahat ng makakaya sa ring.
“This is my opportunity to get the belt to Nicaragua. I have watches his fights and I have to take care of his right hand,†ani ni Buitrago, ang WBO Latino minimumweight title na may tatlong sunod na panalo sa taon.