MANILA, Philippines - Magtatagpo ang reigning collegiate champions La Salle ng UAAP at ang San Beda ng NCAA sa Disyembre 7 sa Smart-Araneta Coliseum sa hangaÂring makaipon ng pondo na itutulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
“We all know all of us like to see play the UAAP champion play the NCAA champion who gets to win,†sabi ni Joey Guillermo ng nag-oorganisang Filoil Flying V Sports.
Kamakailan ay nagharap naman ang University of Santo Tomas at Letran, mga runners up sa nakaraang UAAP at NCAA season, ayon sa pagkakasunod, sa Letran Gym para tumulong din sa relief effort sa mga nasalanta ng bagyo.
Nagsagawa na rin ang San Beda ng isang bonfire para makahingi ng tulong, habang nagbigay na ang NCAA ng pondo sa social arm ng TV5.
Inangkin ng Green Archers at Red Lions ang kanilang mga league titles matapos talunin ang Tigers at ang Knights, sa kani-kanilang title series.