^

PSN Palaro

La Salle, Bedans benefit game para sa mga biktima ni Yolanda

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magtatagpo ang reigning collegiate champions La Salle ng UAAP at ang San Beda ng NCAA sa Disyembre 7 sa Smart-Araneta Coliseum sa hanga­ring makaipon ng pondo na itutulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

“We all know all of us like to see play the UAAP champion play the NCAA champion who gets to win,” sabi ni Joey Guillermo ng nag-oorganisang Filoil Flying V Sports.

Kamakailan ay nagharap naman ang University of Santo Tomas at Letran, mga runners up sa nakaraang UAAP at NCAA season, ayon sa pagkakasunod, sa Letran Gym para tumulong din sa relief effort sa mga nasalanta ng bagyo.

Nagsagawa na rin ang San Beda ng isang bonfire para makahingi ng tulong, habang nagbigay na ang NCAA ng pondo sa social arm ng TV5.

Inangkin ng Green Archers at Red Lions ang kanilang mga league titles matapos talunin ang Tigers at ang Knights, sa kani-kanilang title series.

vuukle comment

FILOIL FLYING V SPORTS

GREEN ARCHERS

JOEY GUILLERMO

LA SALLE

LETRAN GYM

RED LIONS

SAN BEDA

SMART-ARANETA COLISEUM

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with