MANILA, Philippines - Maliban kay Manny Pacquiao, nagposte din ng panalo ang dalawa pang Filipino fighters na nasa undercard ng laban niya kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios kahapon sa The Venetian sa Macau, China.
Pinabagsak ni super featherweight Harmonito Dela Torre si Jason Butar-Butar ng Indonesia sa third round ng kanilang four-round, non-title bout.
Binugbog ng tubong General Santos City na si Dela Torre si Butar-Butar sa bodega bago kumonekta sa ulo ng Indonesian boxer na naging dahilan ng pagtumba nito.
Pinaganda ng 19-anyos na si Dela Torre ang kanyang win-loss record sa malinis na 11-0 tampok ang 6 knockouts.
Pinigil naman ni super welterweight Dan Nazareno Jr. si Liam Vaughan sa seÂcond round para sa kanyang 18-10 marka.
Sina Nazareno at Vaughan ang mga tumaÂyong sparmates ni Pacquiao sa kanyang Pacman Wild Card Gym sa General Santos City.
Samantala, pinasaÂlaÂmatan naman ni two-time Olympic Games gold meÂdalist Zou Shiming ng China si Pacquiao dahil sa kanyang unanimous decision win kontra kay Mexican Juan Toscano sa isa pang non-title fight.
Halos anim na linggo nagsanay ang 34-anyos na si Shiming (3-0) sa training camp nina Pacquiao at trainer Freddie Roach.