MACAU--Sinabi ni daÂting light heavyweight champion Roy Jones, Jr. na may kakayahan si Manny Pacquiao na makabalik mula sa isang sixth round knockout loss kay Juan Manuel Marquez.
Ayon kay Jones, bahagi ng HBO broadcast team, hindi na kinukuwestiyon kung may puso pa si Pacquiao para maibangon ang kanyang sarili.
Ang tanong ay kung kaya ni Brandon Rios na maÂkipagsabayan sa dating eight-division champion.
“Oh yes, Pacquiao can definitely bounce back. That’s not a question. If that doesn’t happen, it won’t be because Pacquiao can’t bounce back but because Brandon is a smarter plaÂyer,†wika ni Jones matapos sumama sa broadcast panel para sa live telecast ng weigh-in kahapon sa Cotai Arena here.
Tumimbang ang fighÂting Congressman ng Sarangani ng bigat na 145 pounds.
Ang 27-anyos namang si Rios ay mas mabigat sa 146.5 lbs. Habang si Rios ay mas malaki at mas batang fighÂter, may sapat na respeto si Jones para kay Pacquiao, binalaan naman niya itong huwag magkumpiyansa kay Rios.
“Pacquiao can try to make it easy by boxing and fighting smart but Brandon has a big heart,†wika ng 44-anyos na si Jones ang tanging boksingero na nagsimula bilang middleweight at nanalo ng heavyweight title matapos talunin si John Ruiz para sa WBA belt noong 2003.
“Pacquiao is definitely the better fighter and boxer but you can’t count a fighter out,†dagdag pa ni Jones.
Si Jones, isa ring dating super midÂdleweight champion, ay naghahanda sa kanyang comeback fight sa Disyembre laban kay daÂting cruiserweight contenÂder Bobby Gunn.