Laro Ngayon
(Ynares Arena)
2 p.m. Cignal vs RC Cola (W)
4 p.m. Petron
vs TMS PH Army (W)
6 p.m. Systema
vs Giligan’s (M)
MANILA, Philippines - Asahan ang malakas na paglalaro galing sa nagdedepensang kampeon TMS-Philippine Army habang ikalawang panalo sa tatlong laro ang hahagipin ng Cignal sa pagpapatuloy ngayon ng Philippine Super Liga volleyball Grand Prix sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Kalaban ng Lady TrooÂÂÂpers ang Petron na magsisimula matapos ang pagkikita ng HD Spikers at baguhang RC Cola sa ganap na alas-2 ng hapon.
May 2-1 baraha ang TMS-PA at galing sa 13-25, 20-25, 22-25, straight sets pagkatalo sa PLDT MyDSL sa huling laro upang makasalo ang paÂhiÂngang Cagayan Valley sa pangalawang puwesto sa 2-1 karta.
Ang Thai open spiÂker na si Luangtonglang WaÂnitchaya ay muling makikiÂpagtulungan kina Japanese libero Yuki Murakoshi bukod pa sa mga locals na sina Jovelyn Gonzaga, Tina Salak, Mary Jean Balse at Michelle Carolino.
Tiyak namang magsisikap din ang Blaze Spikers na manalo para wakasan ang dalawang sunod na kabiguan upang samahan nila sa huling puwesto ang Raiders sa ligang inorganisa ng Sports Core at may basbas ng International Volleyball Federation (FIVB).
Sa huling laro dakong alas-6 ng gabi ay pagpupursigihan ng Giligan’s na makumpleto ang 3-0 sweep sa elimination round laban sa Systema sa men’s division sa ligang may ayuda rin ng Asics, Mikasa, LGR, Jinling Sports at Solar Sports.