Thunder hiniya ang Clippers Nuggets tinapos ang pananalasa ng Bulls

DENVER--Naghatid ng tig-dalawang magkasunod na three-pointers sina Nate Robinson at Jordan Ha­milton para pamunuan ang Nuggets sa 97-87 panalo sa Chicago Bulls noong Huwebes sa NBA.

Ang mga tres na ito nina Robinson at Hamilton ang nagbigay sa Nuggets ng 82-62 kalamangan sa huling 9:40 ng labanan upang pigtasin ang limang sunod na panalo na hawak ng Bulls.

Tumapos ng 17 puntos si Hamilton para pamunuan ang apat na Nuggets pla­yers na may sampung puntos pataas sa laro upang kunin din ang ikapitong sunod na tagumpay sa Chicago sa kanilang homecourt.

Nanguna sa dumayong Bulls si Derrick Rose sa kanyang 19 marka.

Sa Oklahoma City, naghatid ng 28 puntos at 8 assists si Kevin Durant habang si Serge Ibaka ay may 17 puntos at tatlong blocks para igiya ang Thunder sa 105-91 tagumpay sa Los Angeles Clippers.

Nagdagdag pa ng 12 puntos si Russell Westbrook para sa Thunder na naipanalo ang unang limang home games sa unang pagkakataon mula 2004-05 noong ang prangkisa ay nakabase pa sa Seattte.

Gumawa ng 27 puntos at 10 boards si Blake Griffin para sa Clippers. May 12-of-23 shooting, ito ang ika-10 sa huling 12 laro ng Los Angeles na si Griffin ay may 20-10 marka.

Show comments