Skyforce, PL Antipolo pasok sa semis

Laro Ngayon

(Marikina Sports Park)

7p.m. Sta. Lucia East Grand Mall vs Skyforce

8:30p.m. Hobe Bihon vs PL Antipolo

 

MANILA, Philippines - Inihakbang ng Skyforce at PL Antipolo ang kani-kanilang kampanya sa semifinal round makaraang umiskor ng panalo sa magkahiwalay na laban sa pagbabalik ak­syon ng 3rd DELeague Kap. Rudy Francisco Cup nitong Martes ng gabi sa Marikina Sports Center.

Natakasan ng Skyforce ang Sealions sa overtime, 112-106, habang iginupo ng PL Antipolo ang MJM Productions (Team Zamboanga), 108-92.

Bubuksan ang semis ngayong gabi kung saan makakasagupa ng Skyforce ang Sta Lucia East Grand Mall sa alas-7 at haharapin ng PL  Antipolo ang Hobe Bihon sa alas-8:30 ng gabi.

Nagtulung-tulong ang mga dating PBA players na sina Mark Caceres, Ronjay Enrile at Marlou Aquino na umiskor ng pinagsamang 45 puntos para sa itulak ang Skyforce sa panalo kontra Sealions.

Ang torneong ito ay itinataguyod ni Mayor Del De Guzman at sinusuportahan ng Philippine Business Bank-Marikina Branch, Hotel Sogo, Josiah Catering Inc., St. Anthony Medical Center Marikina Inc., PCA Marivalley, Mared Rubber and Marketing Corp.,The Playground Premium Outlet Store, Luyong Panciteria, Mckie’s Construction Equipment Sales and Rentals, Tutor 911, Azucar Boulangerie and Patisserie, Maic’s Gym, Mylene’s Ensaymada Bananacake, Pancit ng taga Malabon, at Villaronar Resort.

Show comments