Ginulat ang Lady Troopers Speed Boosters lider na

Laro sa Sabado

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

2 pm Cignal vs RC Cola

4 pm Petron vs TMS-Army

6 pm PLDT-My DSL

 vs Maybank

MANILA, Philippines - Ang inaasahang mahigpitang laro ay hindi nang­yari nang itatak ng PLDT-MyDSL ang kalidad ng kanilang paglalaro sa nagdedepensang kampeon TMS-Army sa mada­ling 25-13, 25-20, 25-22, straight sets panalo sa Phi-lippine SuperLiga Grand Prix kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Pinamahalaan ni Kaylee Manns ang opensa ng koponan sa ibinigay na 40 excellent sets para hiyain ang katapat na si Tina Salak na mayroon la­mang19 sa laro.

Si Savannah Noyes ay mayroong 10 kills tungo sa 13 puntos habang si Sue Roces ay naghatid pa ng dalawang blocks tungo sa game-high 14 puntos.

“Masaya kami sa panalo dahil sila ang itinutu­ring ko na pinakamalakas na team sa liga,” wika ni Speed Boosters coach Roger Gorayeb na uma­ngat sa unang puwesto sa anim na koponang kalahok sa 2-0 baraha.

Di tulad sa unang da­lawang laro na kanilang pi­nagwagian, naging ma­lam­ya ang Lady Troo­pers at tanging si Jovelyn Gonzaga lamang ang palaban sa kanyang 10 hits sa larong inorganisa ng Sports Core at may basbas ng International Volleyball Federation (FIVB).

Nakabangon naman ang Cagayan Valley sa unang pagkatalo na nalasap sa TMS sa huling laro nang pabagsakin ang RC Cola, 23-25, 25-16, 25-18, 25-12.

Si Yanida Kotruang ay may  23 puntos para makabangon ang Lady Rising Suns na tumabla sa TMS sa 2-1 karta.

Show comments