KRASNOYARSK, RusÂsia--Matapos ang dalaÂwang araw na kompetisyon ay nagparamdam agad sina Filipino bowlers Benshir Layoso at Maria Lourdes Arles para tumibay ang paghahabol sa 24-man cut sa 2013 QUBICA AMF Bowling World Cup sa Krasnoyarsk Center, dito.
Si Layoso ay gumawa ng 2916 pinfalls sa 12 laro para sa 243 average at malagay sa ikaapat na puwesto sa kalalakihan habang si Arles ay may 2944 sa 13 games para malagay naman sa ikaanim na puwesto.
Nanguna sa dalawang dibisyon sina Peter Hellstrom ng Germany at Caroline Lagrange ng Canada sa pagrolyo ng 3061 at 3186 iskor, ayon sa pagkakasunod sa prestihiyosong individual kegfest.
Ang iba pang bowÂlers na may magandang ipinakita ay sina Germany’s Bodo Konieczny (2949), Venezuela’s William Ching (2932), Layoso, Belgium’s Mats Maggi (2901), France’s Vincent Cayez (2890), Christopher Sloan (2884), Russia’s Alexei Parshukov (2882), Israel’s Or Aviram (2870) at MexiÂco’s Humberto Vasquez (2851).
Ang Singaporean na si Cherie Tan (3075) ang pumangalawa sa kababaihan bago sinundan nina Dominican Republic’s Aumi Guerra (2836), ng United States’ Danielle McEwan (2769), Romania’s Luminita Farkas Bucin (2950), Arles, Norway’s Patcharin Torgersen (2672), Belgium’s Katrien Goosens (2893), Sweden’s Sandra Andersson (2882) at Aruba’s Thashaina Seraus (2880).
May 74 kalalakihan at 64 kababaihan ang nagÂlalaban-laban sa kompetisÂyong inorganisa ng QUBICA at AMF.
Nakuha nina Layoso at Arles ang karapatang katawanin ang Pilipinas sa naturang event matapos na mapagwagian ang national finals nitong nakaraang Agosto.