MANILA, Philippines - Muling napatunayan na ang Philippine Basketball Association (PBA) pa rin ang tunay na tinatangkilik na liga sa bansa matapos gumawa ng record audience na 30,000 fans sa simultaneous games sa pagbubukas ng 2014 PLDT myDSL PBA Philippine Cup noong Linggo.
Ang mga laro ay ginawa sa Manila, Cebu at Davao na una sa makulay na kasaysayan ng kauna-unahang propesyonal na liga sa basketball sa Asya.
Ang SMART-Araneta Coliseum ang siyang pinagdausan ng laro sa Manila ay humakot ng 20,298 panatiko ang larong kinatampukan ng Barangay Ginebra at San Mig Coffee. Nanalo ang Gin Kings sa Mixers, 86-69.
Nasa pitong libo naman ang nanood sa laro sa Davao na Rain or Shine at Alaska Aces habang tatlong libo ang sumaksi sa tagisan ng Talk ‘N Text at Meralco Bolts sa Cebu.
Kahit sa pagsasaere sa telebisyon gamit ang TV5 ay gumawa rin ng marka ang mga laro ng Gin Kings at Mixers dahil tinalo ng nasabing network ang ABS-CBN at GMA sa audience share.
Ayon sa Nielsen Media’s overnight Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM) data, ang TV5 na may 25.4% audience share, kasama ang 28.7% nang nasa fourth period, ay umani ng 29.6% sa nationwide urban kumÂpara sa 28% ng ABS-CBN at 25.3% ng GMA.