Perpetual humataw agad sa volleyball
MANILA, Philippines - Magarbong pagbubukas ang ginawa ng PerpeÂtual Help sa pagdepensa sa hawak na dalawang tiÂtulo nang walisin ang MaÂÂpua sa pagbubukas ng 89th NCAA volÂleyball tournament kahapon sa The AreÂna sa San Juan City.
Ang mga beteranang sina Norie Jane Diaz at HoÂney Rose Tubino ay nagtala ng 14 at 11 hits upang angkinin ng Lady Altas ang 25-14, 25-11, 25-13 panalo kontra sa Lady Cardinals.
Ang setter na si Shaira Cabriana ay may 21 excellent sets bukod sa 10 na kiÂnatampukan ng anim na aces, habang apat na aces at isang block tungo sa 10 puntos ang naihatid ni Jamela Suyat.
Tumagal lamang ang aksyon sa loob ng 53 minuto at dominado ng tropa ni coach Sammy Acaylar ang spike, 40-13, at serve 17-0, para pakinangin ang unang panalo.
Hanap ng Lady Altas na palawigin sa tatlo ang doÂminasyon sa kanilang haÂnay.
Bago ito ay kumubra muÂna ang Altas ng 25-18, 25-13, 25-17 straight sets win sa Cardinals sa men’s divison.
May 10 kills tungo sa 12 hits si Edmar Sanchez, habang si Jay Rojo ay may 10 puntos mula sa pitong kills at tatlong service aces para pamunuan ang koponan na balak palawigin sa apat na sunod ang dominasyon sa dibisyon.
Nakasalo naman sa PerÂpetual ang Emilio Aguinaldo College sa women’s division nang pabagsakin ang Jose Rizal University, 25-12, 25-19, 25-15 sa isa pang laro.
- Latest