Cagayan Valley sasagupa naman sa RC Cola TMS-Army susubukan ng PLDT-MyDSL

Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

2 p.m. TMS-Army

vs PLDT-MyDSL

4 p.m. RC Cola

vs Cagayan Valley

6 p.m. Systema

vs Maybank

 

MANILA, Philippines - Matapos lusutan ang ha­mon ng Cagayan Valley ay masusukat muli ang TMS-Philippine Army nga­yon sa pagsagupa sa pi­na­lakas na PLDT-MyDSL sa Philippine Super Liga Grand Prix volleyball tour­na­ment sa Ynares Sports Are­na sa Pasig City.

Ikatlong sunod na pa­na­lo ang makukuha ng La­dy Troopers sakaling ta­lunin ang Speed Booster sa kanilang ika-2 ng hapon na labanan.

Galing ang tropa ni head coach Rico de Guzman sa 19-25, 25-14, 25-14, 25-17 panalo sa Lady Rising Suns na magtatangkang bumangon sa unang kabiguan sa pagbangga sa baguhang RC Cola sa alas-4 ng hapon.

Ang Systema at Maybank ay magtutuos naman sa men’s division sa alas-6 ng gabi.

Nagpatuloy ang ma­gan­dang ipinakikita ni Thai hitter Luangtonglang Wa­nitchaya na may 23 hits, ka­sama ang 20 kills, habang ang Japanese libero na si Yuki Murakoshi ay nag­karoon na ng magandang ko­munikasyon sa mga lo­cals.

Pero ang nagpalalim sa TMS ay ang ibinibigay na so­lidong laro nina Jovelyn Gon­zaga, Mary Jean Balse at Rachel Daquis.

“Ang maganda sa team na ito, hindi mo malaman kung sino ang gagawa,” wika ni De Guzman.

May 1-0 karta naman ang PLDT-MyDSL at tu­ma­tag ang puwersa ng ko­ponan nang kunin ang mga US imports na sina Kay­lee Manns at Savannah Noyes.

Show comments