NLEX, Big Chill umiskor ng panalo

MANILA, Philippines - Gumana ang kamay ng mga national players na sina Garvo Lanete, Matt Ga­nuelas at Kevin Alas pa­ra bigyan ang NLEX Road Warriors ng 93-60 panalo kon­­tra sa Arellano Univer­si­ty sa PBA D-League Aspi­rants’ Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Si Lanete ay may 19 points, habang si Ganue­las ay may 16 at 12 ang idi­nagdag ni Alas para sa Road Warriors.

Limitado lamang ang oras na ibinigay kina Ola Adeo­gun, Rome dela Ro­sa, Kyle Pascual at Ryusei Koga pero naramdaman din ang kanilang puwersa sa pinagsamang 21 puntos.

Napagtagumpayan naman ng Big Chill na maitala ang pinakamagandang pa­nimula sa liga matapos tu­hugin ang pang-apat na su­nod na panalo sa 81-78 pagwawagi sa Cebuana Lhuillier sa ikalawang laro.

May 13 puntos si Jecks­ter Apinan at ang kanyang three-point play ang buma­sag sa huling tabla sa 77-all para ipalasap din sa Gems ang ikatlong pagyukod ma­tapos ang apat na la­banan.

Sina Josan Nimes at Jens Knuttel ay mayroong 20 at 14 puntos, ayon sa pag­kakasuno, para naman sa 83-73 pananaig ng Café France kontra sa Derulo Accelero.

 

Show comments