Bradley at Marquez panig kay Pacquiao

MANILA, Philippines - Sa pagitan nina Manny Pacquiao at Brandon ‘Bam Bam’ Rios, ang Filipino world eight-division champion pa rin ang pinanigang manalo ng dalawa sa tumalo sa kanya noong nakaraang taon.

Sinabi nina Timothy Bradley, Jr. at Juan Manuel Mar­quez sa isang conference call na naniniwala pa rin si­lang tatalunin ni Pacquiao si Rios sa kabila ng kanyang ka­biguan noong 2012.

“Manny has power in both hands, he can hurt you. I know Rios can take a punch but this is not Mike Alvarado – he is facing Manny Pacquiao who has speed and power,” sabi ni Bradley.

Tinalo ni Bradley si Pacquiao mula sa isang kontrobersyal na split decision para agawin niya sa Filipino boxing su­perstar ang suot nitong World Boxing Organization (WBO) welterweight title noong Hunyo 9, 2012.

“Manny Pacquiao dropped a lot of feints on me and it kept me off balance as far as shots,” ani Bradley. “He is very difficult to hit at times too because he is always angling out.”

Sinabi naman ni Marquez na lahat ng klase ng boksi­ngero ay kayang labanan ni Pacquiao.

“Pacquiao is fast and strong and he can deal with these types of opponents,” sabi ni Marquez, pinatumba si Pacquiao sa sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap no­­ong Disyembre 8, 2012.

Nakatakdang labanan ng 34-anyos na si Pacquiao ang 27-anyos na si Rios para sa WBO International wel­­terweight belt sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China.

Ito ang unang laban ng Sarangani Congressman ma­­tapos matalo kina Bradley at Marquez noong 2012.

Sa kanyang pagdating kahapon sa Macau ay kaagad dinumog ng mga boxing fans si Pacquiao.

Nangako si Pacquiao na kanyang gagawing inspiras­yon ang mga nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’ sa pagharap niya kay Rios.

 

Show comments