MANILA, Philippines - Apat na ang panlaban ng Pilipinas sa swimming event sa Myanmar SEA Games matapos isama na sa talaan ang London Olympian na si Jessie King Lacuna.
Sinang-ayunan ni POC president Jose Cojuangco Jr. at PSC chairman Ricardo Garcia ang apela ni swimming president Mark Joseph na ipasok na rin si Lacuna na beterano ng 2009 Laos at 2011 Palembang, Indonesia SEA Games.
Hindi naman kailangan ng Task Force SEA Games na ihabol pa ang pangalan ni Lacuna sa Myanmar SEA Games Organizing Committee dahil nakasama siya sa entry-by-name na ipinasa ng bansa noon pang Oktubre.
Ang mga naunang binigyan ng go-signal ay sina Fil-Ams male tanÂkers Joshua Bada Hall at Matt Louis Abad Navata at London Olympian Jasmine Alkhaldi na natatanging lady tanker ng delegasyon.
Nalagay sa alanganin si Lacuna dahil nagkaroon lamang siya ng isang pilak at dalawang bronze meÂdals sa Palembang.
Ang criteria na inilagay ng Task Force ay pawang mga gold medal potential lamang ang isasama.
Si Lacuna ang lalabas na ika-203 manlalaro ng delegasyon.
Noong 2011, ang Pilipinas ay nanalo ng 36 ginto, 56 pilak at 77 bronze meÂdals pero naniniwala sina Cojuangco at Garcia na puwedeng maka-40 ginto ang ipadadalang deÂlegasyon sa Myanmar base sa masinsinang screening na ginawa ng Task Force.