MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon na mapanood ng magkakasama ang mga bigating volleyball plaÂyers sa kasalukuyan sa 1st Shakey’s V-League All Star Game ngayong haÂpon sa The Arena sa San Juan City.
Sa ganap na alas-4 ng hapon matutunghayan ang laro sa pagitan ng Team Shakey’s at Team Smart at layunin din ng palaro ay ang makalikom ng pondo para itulong sa mga nabiktima ng super typhoon na Yolanda.
“Everybody is thrilled and upbeat over this All Star Game. Not only are these players willing and raring to help in the fund drive for their brothers and sisters in the Visayas but also to give the fans a match to remember,†wika ni MoÂying Martelino, chairman ng Sports Vision na siyang organizer ng laro.
Ang aktibidades sa araw na ito ay magsisiÂmula sa ganap na alas-9 ng umaga sa pamamagitan ng meet-and-greet habang sa ganap na ala-1 ng hapon ay gagawin ang fans’ at players’ skills game.
Ang presyo ng ticket ay nasa P350 (ringside), P250 (lower box) at P100 (upper box) para sa maghapon habang nasa P300, P200 at P50 ang presyo para lamang sa pang-hapon na kaganapan.
Sina 6’2 Dindin Santiago at Jovelyn Gonzaga na siyang naghatid sa MVP honors sa natapos na season, ang magkasama sa Team Smart.
Makakatuwang nila sina Maru Banaticla, Jem Ferrer, Jennelyn Reyes, Gretchel Soltones, Fille Cainglet, Pau Soriano, Alyssa Valdez at Charo Soriano at ang koponan ay hahawakan ni Roger GoÂrayeb.
Sina Suzanne Roces, Angeli Tabaquero, Mary Jean Balse, Michelle Carolino, Aiza Maizo at Rachel Ann Daquis ang mga magkakasama sa Team Shakey’s na hawak ni Nestor Pamilar.
Kukumpletuhin ang line-up nina Angelique Dionela, Rubie de Leon, Maureen Penetrante-Ouano at Tina Salak.