Age Group taekwondo tourney ipinagpaliban

MANILA, Philippines - Ipinagpaliban ng Philippine Taekwondo Association ang  2013 National Age Group Taekwondo Championships na nakatakd angayon hanggang bukas sa Rizal Memorial coliseum.

Ang dalawang-araw na event na hatid ng SMART Communications Inc., MVP Sports Foundation, PLDT, TV5, Meralco at ng PSC ay idaraos sa December 7-8 sa nasabi ring venue sa Rizal Memorial coliseum.

Iniatras ng PTA ang kom­petisyon sa dahilang ang naturang venue (Rizal  Coliseum) ay ginagamit bilang isa sa relief operation centers para sa libu-libong biktima ni Yolanda.

Show comments