NEW YORK--Bumalik na si James Harden sa Houston habang si JeÂremy Lin ay tumapak uli sa Madison Square Garden.
Ang dalawang pangyayaÂring ito ay sapat na para maisantabi ang mainit na paglalaro ni Carmelo Anthony sa 109-106 panalo ng dumayong Rockets.
May 36 puntos si Harden sa pagbabalik mula sa pagliban sa huling laro habang si Lin ay mayroong 21 puntos at ang Rockets ay nanalo sa Knicks sa ikalaÂwang sunod na pagkikita.
May 22 puntos pa si Chandler Parsons upang punuan ang mahinang pitong puntos lamang ni Dwight Howard.
“Jeremy stepped up, James played big and that’s what we need,†wika ni Howard na humabÂlot naman ng 15 rebounds at may dalawang free throws na nagbigay sa Houston ng limang puntos na kalamangan sa huling 75 segundo ng labanan.
Si AnÂthony ay nagtala ng 45 puntos bukod pa sa 10 rebounds pero kinulang ito para lasapin ng Knicks ang ikaapat na sunod na pagÂkatalo sa hoÂme court.
Si Harden ay nagbalik matapos lumiban sa 123-117 overtime na pagkatalo sa Philadelphia noong Miyerkules dahil sa bruised left foot.
Kinatampukan ni HarÂden ang mainit na pagbuslo sa pamamagitan ng pagsablay sa daÂlawa lamang sa 18 buslo sa 15-foot line.