MANILA, Philippines - Nagtrabaho nang husto ang dating PBA Best Import awardee na si Jamelle Cornley para ibigay sa nagdedepensang kampeon Hobe Bihon ang awtomatikong semis seat sa Group A sa pamamagitan ng 88-75 panalo sa ACS Team noong Martes ng gabi sa 3rd DELeague Kap. Rudy Francisco Cup sa Marikina Sports Center.
May 30 puntos at 11 boards si Cornley para mangibabaw ang koponan sa playoff.
Bumaba ang ACS Team sa crossover quarters at ang pumangalawa sa Group A ay kalaban ang No. 5 MJM Production sa Linggo.
Sa Sabado bubuksan ang quarterfinals at saÂsalang ang No. 3 PL AnÂtipolo laban sa No. 4 Arquitectos Construction sa Group A habang ang No. 2 Sea Lions ang katapat ng No. 4 JSM-KTM sa Group B.
Ang No. 2 Skyforce Team at No. 5 FEU-NMRF ang magtitipan sa Linggo.
Ang DELeague na inorÂganisa ni Marikina City Mayor Del de Guzman ay suportado rin ng Philippine Business Bank-Marikina Branch, Hotel Sogo, Josiah Catering Inc.,St. Anthony Medical Center Marikina Inc., PCA Marivalley, Mared Rubber and Marketing Corp.,The Playground Premium Outlet Store, Luyong Panciteria, Mckie’s ConsÂtruction Equiptment Sales and Rentals, Tutor 911, Azucar Boulangerie and Patisserie, Maic’s Gym, Mylene’s Ensaymada BaÂnanacake, Pancit ng taga Malabon, at Villaronar Resort.