^

PSN Palaro

Cornley binitbit ang Hobe Bihon sa semis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagtrabaho nang husto ang dating PBA Best Import awardee na si Jamelle Cornley para ibigay sa nagdedepensang kampeon Hobe Bihon ang awtomatikong semis seat sa Group A sa pamamagitan ng 88-75 panalo sa ACS Team noong Martes ng gabi sa 3rd DELeague Kap. Rudy Francisco Cup sa Marikina Sports Center.

May 30 puntos at 11 boards si Cornley para mangibabaw ang koponan sa playoff.

Bumaba ang ACS Team sa crossover quarters at ang pumangalawa sa Group A ay kalaban ang No. 5 MJM  Production sa Linggo.

Sa Sabado bubuksan ang quarterfinals at sa­salang ang No. 3 PL An­tipolo laban sa No. 4 Arquitectos Construction sa Group A habang ang No. 2 Sea Lions ang katapat ng No. 4 JSM-KTM sa Group B.

Ang  No. 2 Skyforce Team at No. 5 FEU-NMRF ang magtitipan sa Linggo.

Ang DELeague na inor­ganisa ni Marikina City Mayor Del de Guzman ay suportado rin  ng Philippine Business Bank-Marikina Branch, Hotel Sogo, Josiah Catering Inc.,St. Anthony Medical Center Marikina Inc., PCA Marivalley, Mared Rubber and Marketing Corp.,The Playground Premium Outlet Store, Luyong Panciteria, Mckie’s Cons­truction Equiptment Sales and Rentals, Tutor 911, Azucar Boulangerie and Patisserie, Maic’s Gym, Mylene’s Ensaymada Ba­nanacake, Pancit ng taga Malabon, at Villaronar Resort.

vuukle comment

ARQUITECTOS CONSTRUCTION

AZUCAR BOULANGERIE AND PATISSERIE

BEST IMPORT

ENSAYMADA BA

EQUIPTMENT SALES AND RENTALS

GROUP A

GROUP B

HOBE BIHON

HOTEL SOGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with