^

PSN Palaro

Malaysian bowlers nagpasikat sa PIO Open

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nagparamdam ang mga Malaysian bowlers sa 42nd Philippine International Open championships matapos pangunahan ang dalawang events sa Sta. Lucia Mall center sa Sta. Lucia East Grand Mall sa Cainta, Rizal.

Bumandera si Hee Kar Yen sa ladies’ Class O all-events sa kanyang 1511 pinfalls at nakipagtambal kay Malaysian Syaidatul Affifah sa pamumuno sa ladies’ Class O doubles sa pinagulong nilang 902.

Sumegunda si Affifah kay Hee sa all-events sa kanyang 1417 at naglista ng mga series na 466 at 456, ayon sa pagkakasunod, para iwanan si PBAP/Bowlmart’s Apple at Lara Posadas (850) sa doubles event.

Nanguna rin ang Malaysia ’s national men’s team nina Rafiq Ismail, Syimir Abdul Razak at Jonathan Chan sa kanilang 1257 score laban sa 1248 nina Biboy Rivera, Frederick Ong at Raoul Miranda.

Umagaw naman ng eksena ang mga Cebu pintopplers sa kegfest na may basbas ng WTBA at ABF at inorganisa ng PBC katuwang ang Sta. Lucia Mall, Boysen Paints, POC, PSC at PCSO at suportado ng University of Perpetual Help System, Richmonde Hotel Ortigas at National Bowling Tour.

Nagposte si Youth bowler Heber Alquiza ng Cebu/Prima sa Class B men’s singles ng 689 at tumambal kay GJ Buyco sa Class B doubles para sa kanilang  778.

 

BIBOY RIVERA

BOYSEN PAINTS

CEBU

CLASS B

CLASS O

FREDERICK ONG

HEBER ALQUIZA

HEE KAR YEN

JONATHAN CHAN

LARA POSADAS

LUCIA MALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with